CHAPTER 1:

 

Inihahandog Ng
TEATRO CABRERA
At Ng
WONDERFUL DAYS
ang isang natatanging katha:

JINGLE BELLS
Isang Kuwentong Di-Pampasko

Nilikha ni: BatangCabrera

(DISCLAMER: Ok lang sana kung ako ang author ng PoT o kung kamag-anak (o jowa) ako ni Takeshi Konomi, pero hindi, eh. Hindi rin ako ang nagpasimuno ng Jingle Bells. Lalo na, hindi ko kaanu-ano si Bob Ong.)

(BABALA: Hango ito sa karanasan ng may-akda isang taon na ang nakakaraan. At hango rin ito sa QTV (sister station ng GMA)-dubbed version kaya huwag na kayong magtaka kung meron man akong na-type na kinaloloka ninyo. Censya na. Tao lang.)

Prologo: ANG UNANG BINATI

Kapatid, kung iyong pagmamasdan, katulad lamang ito ng mga karaniwang retro-type condominium sa bayang iyon. Tahimik, kaaya-aya. Teka lang. Bago ka sumimple sa loob ng pamamahay ng iba, mangyari lamang na basahin mo muna ang plakang nakadikit sa dingding ng kanilang pintuan upang malamang sino ang nagmamay-ari ng unit na tini-trespass mo:

INUI

O, ayan. Nabasa mo rin, masaya ka na? Sige’t puwede ka nang pumasok.

Bakit kaya medyo tahimik ang pamamahay ng mga Inui? Wala bang tao? Ni wala ring nagbabantay na aso. Ay, may tao pala. Isang babaeng may katandaan na, mga nasa pagitan ng 35 at 40 ang kanyang edad, at tulad ng ilang maybahay sa buong mundo naglilinis siya sa kusina, kasalukuyang naghuhugas ng mga pinagkainan dahil trenta minutos na ang lumipas mula nang sila’y magtanghalian. Linggo naman ngayon, pero bakit wala masyadong tao? Gusto mo siyang tanungin? Good luck na lang kung sagutin ka niya.

Kaya ang mabuti pa, iwan mo na lang siya’t huwag istorbohin, baka kalat lang ang ituring niya sa iyo, ibasura ka pa. Gusto mong pasukin ang isa sa mga kuwarto? Eh di gawin mo! Walang pumipigil sa iyo. YUN ay kung may makakita sa ‘yo.

Bakit ka napatigil? Me nakalimutan ka ba? O me nakita kang ipis o daga’t nagdadalawang-isip ka pa kung tutuloy ka pa o huwag na. Ano ba’ng amoy ‘yun? Ambaho! Kala mo sumusugod ka sa isang banyong di mapasok-pasok ng kahit na sino na kulang na lang eh magsuot ka na ng proteksyon laban sa harmful radioactive waste. Kulang na lang may karatulang magsasabi sa iyo ng DANGER: HIGHLY RADIOACTIVE para lang makaiwas ka. Pero hindi. Tuluy-tuloy ka pa ring pumasok na animo’y handa mo nang harapin ang sentensya sa iyo. Matapos ang matinding pagtitiis sa hindi mo pagtakip ng iyong ilong sanhi ng nakakasulasok na amoy (pasintabi lang po sa mga kumakain habang nasa harap ng computer at binabasa ito), sa wakas at matagumpay mong nabuksan ang pinto ng pinagmulan ng karimarimarim na amoy na iyon. Pagbukas mo, lalo mo gustong magtakip ng ilong at masuka nang bumuga ang usok sa harap mo. Pilit mo mang gustong isara ang pinto bago pa sumuko ang sikmura mo pero inisip mo, nandito na rin lang ako, ba’t di ko pa ituloy para diretso na sa chapter one kesa magpaka-suspense pa eh suspense na nga ito... Kaya, hala, sige, pinasok mo na rin sa wakas ang kuwartong pinagmulan ng lagim sa buhay mo at doon ka na lang napamura sa inis nang mapasok mo na ito...

...sa wakas.

Anak ng pitumpu’t pitong piniritong puting pating, pangkaraniwang kuwarto lang pala! Malalaman mong kuwarto ng batang lalaki ang napasok mo dahil sa mga libro’t poster tungkol kay Einstein, periodic table, solar system, molecular arrangement, class structure, mga di-pangkaraniwang tarpouline (tama ba’ng spelling ko?) at... tennis. Kahit ano tungkol sa tennis: raketa, bola, at poster ni Andrei Agassi. Pero in fairness, maayos at walang kalat masyado. Pero bakit ambaho na kulang na lang mamatay ang isang patay na daga sa ikalawang pagkakataon sa sobrang sulasok ng amoy?

Pero kung ikaw, me pake ka sa amoy kaya malapit nang bumaligtad ang mundo mo, ibahin mo ang may-ari ng kuwartong ito na naka-surgical mask, kaya nagagawa pa rin niyang gawin ang kanyang eksperimento na hindi maiimbyerna sa amoy... na kanyang nililikha.

In short, sa kanya ka magreklamo; sa kanya na kung anu-ano nang kemikal o kung ano man iyon ang inihahalo niya sa kanyang 'latest creation'.

Seryoso siya, bagamat hindi mo nakikita ang kanyang mga mata kahit na pilitin mo mang makita dahil sa kanyang salamin, na dahil sa tindi ng liwanag (pero tange, medyo madilim sa kuwarto niya, table lamp lang ang nakasindi doon, kaya paano mangyayari 'yon?) akala mo may bond paper na nakadikit sa salamin niya. Kaya huwag mo na rin siyang abalahin. Panoorin mo na lang siyang maingat na hinahalo ang mga kemikal sa isang may kalakihang beaker, iniingat niyang walang masasayang o mahahalong ibang bagay bukod sa nakalista sa kanyang talaan na di naman kailangan at baka papalpak lang iyon. Sa palagay niya (at sa palagay mo rin) malapit ma siyang matapos, ngunit maya-maya...

TING-A-LING-A-LING! TING-A-LING-A-LING!

Napalingon siya. Hindi sa kinaroroonan ng pintuan ng kanilang unit dahil kabisado niya ang tono, tunog at frequency ng kanilang doorbell (sa tagal pa naman nila sa unit na 'yon, eh...), kundi sa kanyang personal computer na sinadya niyang maging bukas dahil meron siyang hinihintay na email na magmumula sa isang kagrupo para sa kanilang science project. Agad niya iyong pinuntahan sa paniniwalang sa wakas may nag-reply na rin sa kanyang inquiry via email kaugnay nga sa project nila. Ngunit napatigil siya nang mabuksan niya ang bagong-dating na email. Wala sa mukha niya ang paglagulat, ngunit bakas sa kanya ang pagtataka sa kanyang natanggap, lalo na:

TO: Sadaharu Inui (coupon_bond_lens@yeahbah.com.jp)

FROM: Jingle Bells

Attached File: Jingle Bells. swf

Who the hell is Jingle Bells? Ito marahil ang tanong na gumagapang sa Data Specialist na ito, ang may pakana ng samutsari at nakakapatid-hiningang training menus ng kanilang batch ngayon ng tennis club at ang imbentor ng karumal-dumal na Inui's Special Vegetable Juice. Jingle Bells? Pero sa isip-isip niya, June ngayon. Humidity is 69%. Chance of rainfall is only 22% or even less. Jingle Bells? Ni wala pang -Ber months, two months pa bago yon, five months pa bago mag-snow, four months pa bago ang autumn. Jingle Bells? Probability na nagkamali ang sender ay 50% lang, dahil hindi man lang niya pinakita ang email address niya. Pero ang probability na maaaring sinadya itong i-send sa akin ay 80%, may kalakihan yata kumpara sa nauna kong hypothesis. Pero kung code name niya ito at nandito ang data na kailangan ko... 85% kung para sa science project namin... 95% kung tungkol ito sa mga makakalaban namin sa Kantou Turnament... 95% dahil baka kulang ang ibigay sa akin. Pero ang tanong ngayon... kung sino ang Jingle Bells na ito. Ni hindi man lang nag-iwan ng email add para naman ma-trace ko, kung ang probability na sinadya nga ito ay umakyat na sa 10% dahil wala siyang iniwang kahit anong identification para madali ko siyang ma-trace. Plus, ang suspetya kong walang kinalaman ang science project o ang tournament dito ay 97% dahil una, ano naman ang kinalaman ng Jingle Bells sa science project ko o sa tournament, ni di pa Pasko?

Anak ng scientific calculator!

Kung meron kang ESP at nagawa mong pasukin ang kaloob-looban ng kanyang pag-uutak, malamang ay naloka ka dahil sa dami ng kanyang probability chuvaness, that "Sadaharu Inui is speaking in mathematical sentences", kaya buti't sumuko ka na lang at abangan ang kanyang susunod na hakbang. Pero sa katunayan, hindi mo na kailangang mag-abang pa ng ilang segundo, dahil...

Kusang-loob na niyang binuksan ang file.

Oo na. 'Out of Curiosity', kaya naisipan na lang niya iyong buksan. Sayang naman kesa balewalain iyon, baka kase meron doong importanteng data na kahit saan, kahit kailan, hindi na niya iyon mahahagilap pa. Maraming posibilidad, tulad na lang ng posibleng counter-attacks against Tezuka's Zero-Shiki Drop Shot, ang weakest link ng original genius na si Fuji, na kung may nabuo nang 'racket trigger theory' para malaman ang dahilan ng pagbabago ng ugali ni Kawamura sa tuwing nakakahawak siya ng raketa, mga paraan para 'paiyakin' si Echizen (NUISANCE, aniya), andami na di na niya ata kaya pang gumawa ng mental statistics sa sobrang curious niya. Hanggang sa bigla siyang nangamba. Doon niya naalala ang isang kasabihang nagpaalala sa kanya ng isang insidente sa practice one week ago kung saan aksidenteng nainom ni Eiji Kikumaru ang isang baso ng (akala niya) tubig dahil sa sobrang uhaw, dahilan upang gugulin ang sana'y dalawang masasayang oras--sa clinic (para sana kay Takeshi Momoshiro yung basong iyon, na yung latest concoction pa ng kanyang vegetable juice ang laman, kaya hanggang ngayon iniisip pa rin niyang 'iniligtas' siya ng kanyang butihing sempai). Kaya ngayon ay nangangamba siya na baka ang kasabihang 'Curiosity kills the cat' (dahil utak-pusa si Eiji) ay maging 'Curiosity kills Inui' sanhi ng magiging resulta ng kanyang desisyon. Pero inisip niya, masyado naman akong pathetic nito, ano naman ngayon kung titignan ko? Within seven days ba mamamatay ako dahil lang dito, eh sa sine lang 'yon mangyayari at noong 2001 (?) pa 'yon? Oo nga naman. Kaya niyugyog niya ang kanyang ulo para matanggal ang dandruff, este, ang negative thoughts sa kanyang utak, na sa kayuyugyog nga'y muntik nang mahulog ang kanyang... salamin, kaya agad niya itong inayos, dahil kapag nakita mo pa ang kanyang mga mata, tapos na ang kanyang career.

"Probability na walang mangyayari sa akin: 100%!" Animo'y sure na sure na sa kanyang answer manalo lang ng isang milyon. Pero kung pumintig naman ang kanyang puso kala mo nasa Starstruck Bottom 3 siya. Pero 100%! Sure na sure na siya. Hindi ito biro. Lalo na, hindi ito pa-goodtime ng isang gagshow. Walang kiyema niyang pinaandar ang kanyang mouse, tinuro nito ang isang berdeng mala-push button na may nakasulat na 'GO!'. Yun ang sabi. Sa kauna-unahang pagkakataon pabulong niyang sinambit ang salitang "Bahala na..."

GO!

-0-0-0-0-

Tila nasa ibang oras at panahon ang kanyang ina dahil napakatahimik ng buong paligid. Palibhasa dadalawa lang (yata) sila sa bahay. Kaya nang biglang tinugtog ang...


Jingle bells, jingle bells, jingle all the way!

Oh what fun it is to ride on a one-horse open sleigh....!


Nabalutan ng pagtataka ang paghuhugas ng kanyang pinggan. "Sadaharu!" tawag niya, "Anak naman, wala pa ngang Halloween, Christmas song na agad ang pinatutugtog mo d'yan? Excited ka naman 'ata!"

Good luck naman kung naririnig siya, di ba?

Malapit nang lumipas ang isang minuto, at naisip ng inang pabayaan na lamang siya sa kanyang kuwarto. Kaya muli, pumasok siya sa kanyang sariling mundo habang naghuhugas ng pinggan.

Hanggang...

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAACCCCCCCCCCCCCCCCCKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Ay, sirena!" bulalas ng ina. Sa pintuan ng kuwarto siya'y napatulala, nagtataka. Pakiramdam niyang sumigaw ang anak niya. Hindi, NARINIG niya. Sigurad siyang boses iyon ng anak niya. Kinilabutan siyang bigla. Kaya sa sobrang kaba, inechapuwera na lang ang pinggang nabasag (umano) niya, agad dumiretso sa silid ng nag-iisang binata, malaman lamang kung ano ang 'binibiritan' niya...

-0-0-0-0-