JINGLE BELLS
Isang Kuwentong Di-Pampasko
(Babala: Me pagka-suspense ang mababasa ninyo so bahala na kayo sa buhay n'yo!
Nyehehe...)
Tsapter Wan: OPLAN V(U)ISIT DATA
(Or Bahket Absent Si Sempai Inui)
Para sa buong Seishun Gakuen Middle School, isang malaking headline na absent
ngayon ang tinaguriang "Data Bank" ng kanilang tennis club. Paano,
ngayon lang ito nangyari mula nang pumasok ito sa third year.
Para sa kanyang mga 'guinea pigs', matatawag na itong isang 'himala', 'hulog ng
langit', at wala ang taong maghahatid sa kanila sa ilog ng impyerno. Nagsimula
nang tumugtog ang 'Hallelujah Chorus' ni Handel sa utak ni Momoshiro.
Pero para sa kanilang...pinuno, "Absent si Inui, simula pa kanina. Ni di
man lang nag-report sa akin o kay Coach kung bakit. Nag-report ba siya sa inyo?"
Isa-isa lang silang umiling.
Naimbyerna nang konti, "Miss call-an n'yo nga? O kaya'y text n'yo. Di
puwede 'tong cell ko, 'alang load..."
Hmp, di mo naman kelangang ipaglantarang wala kang load ngayon... dumada
ang puso ng nag-iisang first year na regular player.
Kaya isa-isa na silang kuha ng kanilang mga cellfone, kahit ang mga non-regulars
(pag sinabi ko kasing irregulars napaka-negative na iyon sa pandinig ng isang
college student tulad ko, junior high student pa kaya?). Isipin mo na ang gusto
mong sabihin kung nagpapayabangan sila ng latest model ng cellfone, bahala ka sa
buhay mo. Ngunit ang iba, aba, hindi nagawa. Hinanda ang kanilang mga alibi:
"Naku, Tezuka..." at nagkamot pa 'tong si Vice Captain Shuichirou
Oishi, "Kauubos lang ng battery ng cell ko..."
"Low-batt di ako, eh..." at pangiti-ngiti pa si Syusuke Fuji.
"Putol ang line ko ngayon, eh..." guilty si Kikumaru, "Di pa ako
nakakabayad sa plan ko, two months na rin..."
"Sorry, Captain..." payuko si Takashi Kawamura, "Nakalimutan ko 'yung
sa 'kin, eh..." (ngek...)
"Grounded ako ngayon..." masama pa ang loob ni Momo, "Pati
cellfone ko..."
"...Naholdap ako..." sambit ni Kaoru Kaidoh.
"ANOOOOOOOOOHHHHH????????" kanilang koro.
"Buti't buhay ka pa..." sumimple si Momo.
"At ano'ng gusto mo???" nagtunog-ahas ang biktima, "Mapatay ako
sa tama ng baril???"
"Eh malay mo kung japeyk lang 'yung baril, di ba?"
"Kung mapatay naman ako sa saksak???"
"Ba't ako ang tinatanong mo? Di naman ako ang humoldap sa 'yo!"
"Eh sa mukha kang holdaper!"
"Sa guwapo kong 'toh (aba't talaga lang ah...!)? Eh ikaw nga mukhang
murderer dahil takot mga freshmen sa 'yo!"
(Agree naman 'tong tatlong freshmen na kasalukuyang nag-aayos ng court at hindi
sinasadyang makinig sa usapan ng mga regulars, kala mo mga julalay ni Momo.
Medyo...)
Sapagkat sumabay pa ang iringan ng dalawang sophomore regulars na napunta na sa
Avenida ang dapat sana'y buyaheng Divisoria, lalo tuloy gusto ng kapitan ng
barko na bigyan sila ng twenty laps o higit pa...
"Tama na 'yan!!!"
Ai, sa wakas, may dumapo ring anghel sa court, sa pangambang patatakbuhin sila
ng twenty laps...
...dahil lang sa cellfone.
Pero kilala nila ang 'Hari ng Seigaku' na si Kunimitsu Tezuka, hindi siya
basta-basta magpaparusa ng twenty laps--dahil lang sa cellfone. Heller??? (pero
kung magpaparusa naman, kahit five laps lang, sa palagay ni Eiji...)
Kaya sabay homily, "Kayo..." tinitignan ang mga guliting regulars,
"Mga regulars nga ang turing sa inyo, pero kung umarte naman kayo daig n'yo
pa ang mga non-regulars. Mga sempais na nag-aastang kouhais (aray! Tinamaan si
Momo...). Cellfone lang, di n'yo pa magawang ingatan?"
Magso-sorry na sana ang grupo nang...
"Eto na, eto na..."
Sabay lingon ng tropa. Gulat sila dahil ISA LAMANG ang nakagawa ng pinapagawa ni
Tezuka: yun pang pinakamaliit, pinakabata, (pinaka-cute, puwede ba?) at ang
natatanging first year sa grupo nila. Sinusubukan niyang kontakin si Inui: una,
thru text, pero baka hindi sagutin, wala pa naman siyang tiwala sa text lang.
Kaya no chioce, plan B, tawagan na lang si Inui (good luck na lang kung sagutin!)
"Buti pa 'tong bunso natin..." sabi ni Eiji, "Maaasahan. Di tulad
ng iba d'yan..."
"EHEM..." tinitigan siya ng partner niyang bise-kapitan.
Balik-guilty mode tuloy ang taong-pusa. "Oo na, nya..."
Matapos i-dial ni Ryoma Echizen ang number, isang mabilis na "KRIING-KRIING!"
ang narinig niya sa linya.
"Bingo..."
Daig pa ang mga tumataya sa karera at bingo kung makapaghintay ang kanyang mga
teammates (minus Tezuka) kung magbubunga ba ang tangka nilang 'pang-iistorbo'
kay Mr. Data.
Kaso...
<You have reached the number of Sadaharu Inui. Unfortunately he is not
available at this very moment. But if you want him to return your call just
leave your message after the beep.>
BEEP!
(puwede na ba sa call center?)
Na-petrified ang lahat. Walang nag-react. Walang huminga. Pero taas-kilay na
nagsalita si Ryoma:
"Sempai Inui...si Echizen 'to. Nag-aalala na kami sa 'yo dito. Nagalit nga
si Captain nang 'di ka namin macontact-contact. Gustuhin man niyang kontakin ka,
pero wala naman siyang load..."
Taas-kilay ang Captain nang marinig niya ang sumbong ng bata.
"Tapos low-batt pa sina Sempai Fuji't Sempai Oishi..."
Ngiti lang ang poised na genius. Buntonghininga naman ang sa bise.
"Tapos ni di pa nakakabayad ng postpaid si Sempai Kikumaru kaya putol ang
line niya ngayon..."
"Di mo naman kelangang ipagkalat 'yun, noh???" bulong ng tinamaan.
"Tapos nakalimutan pa ni Sempai Kawamura 'yung phone niya..."
Namula tuloy sa hiya.
"Tapos grunded ngayon si Sempai Momo..."
"Humanda ka sa 'kin mamaya..." inuugat na ang mga kamao.
"Pero ito ang malupit: Naholdap si Sempai Kaidoh!"
"Fsssssssshhhh......" pagtitig pa lang gusto na niyang lamunin si
Ryoma ng buhay...
"Sempai Inui..." tawag niya ulet, "Bakit ka absent ngayon? Lagot
ka ke Captain, 'di ka man lang nagpaalam na di ka puwede ngayon. Wala 'yung
pakealam kung me bulutong ka o cancer basta alam kong wala siyang sinasanto lalo
na 'yung mga 'di nagpapaalam sa kanya ng maayos..."
"Tama na 'yan!" suway ni Captain (ai sus, kunwari pa siya, ani Eiji),
"Di mo na yata napapansin ang oras..."
Oo nga naman, naisip niya. Bakit ba kelangan pang ubusin ang oras sa phone para
lang sa isang 'Kamustahan Session' with Inui kung hindi rin lang siya sigurado
kung magrereply siya o hindi? Na sa halip na raketa ang hawak, yun pang cellfone
na kulang na lang idikit 'yun sa mga raketa nila para in case of emergency,
instant reply habang nasa kalagitnaan ng practice (o ng match). Kaya upang
matapos na ang commercial break, kelangan na lang niya magpaalam sa absent na
sempai, pero gagawin na niya sana iyon nang...
BEEP-BEEP-BEEP-BEEP----
Natapos na pala ang inilaang minuto. "Tch..." kunot ang noo nitong
isinara ang kanyang cellfone.
Biglang sumingit si Momo. "'No, Echizen? 'Musta? Nakausap mo? Ano'ng sabi?"
Tsura pa lang ng munting tennis player, gusto na niyang sabihan ang sempai niya
na engot dahil 'hindi naman niya talaga nakausap si Inui.' Nagkataon lang na...
"Answering machine ang sumagot sa 'yo, no?" hula ni Fuji.
"Oo..." sagot ni Echizen.
So muzhta naman ang prodigy na mana sa ate niyang eksperto sa tarot cards?
"'Ala ring silbi..." reklamo ni Momo.
"Eh di sayang lang ang load mo..." isang kilalang boses ang dumating
na siyang ikinaayos bigla ng ugali ng buong tennis club.
"C-coach!!!" bigla silang nagsiayos nang dumating na ang Ynang Reyna.
"Busy 'ata kayo sa pag-alala ke Inui..." sabi niya, "Pero 'wag na
kayong mag-alala. Katatawag lang ng nanay niya. May nangyari sa kanya, dahila
para hindi siya pumasok ngayon."
Bulungan mula sa mga nn-regulars ang naghari sa kabilang side ng kinatatayuan ng
matronang coach.
"Ano naman pong dahilan?" tanong ni Oishi.
"Ewan. Kahit 'yung nanay niya di rin maintindihan ang dahilan niya, pero
sabi niya hindi naman niya mapipilit ang bata kung ayaw naman niyang pumasok."
"'Labo pa rin..." buntonghininga ng makulit na sophomore.
"Pero paliwanag niya sa akin na nagsimula 'yon kahapon. Nang may narinig
siya mula sa kuwarto ni Inui, nagtaka pa kung bakit Hunyong-Hunyo eh,
nagpapatugtog na ng Jingle Bells. Ayaw namang sabihing me kinalaman yung kanta
sa pag-a-absent niya..."
"Jingle Bells???" koro ng walo.
"Pero wala pa raw yatang isang minuto bigla na lang siya nagsisisisgaw..."
Napalunok si Boy Kuting.
"Tapos..." aba-aba-aba, interested si Captain Tezuka! Kahit 'di halata...
"Pagpasok niya, 'andoon na raw si Inui sa sulok, takot na takot. 'Yun na
'yon."
Nablangko ang team. (Parang sa isip ni Ryoma, ano kaya 'yun?) Lalo lang yata
lumabo ang sitwasyon.
Pero tila kuntento na ang kapitan sa narinig niyang kuwento. Nang napakiramdaman
na ni Coach na tapos na ang tungkulin niya sa kanyang mga disipulo sa araw na
iyo dahil naghahanda siya para sa meeting ng P.E. Department bukas, iniwan muna
niya ang mga ito, sabay bulong kay Tezuka na "Ikaw na'ng bahala...",
sabay harap nito sa team na atat pa rin sa mga kuwento ni Lola, pero...
"Nagsayang lang tayo ng twenty minutes dahil kay Inui (at sinisi pa mandin
ang absent! reklamo ni Eiji. Eh sino naman kaseng nagpasimuno ng call-and-text
brigade para ke Inui, aber???). For that mag-o-overtime tayo ng thirty
minutes..."
"Thirty minutes???"
Eh ano 'yung ten minutes du'n???" reklamo ni Ryoma.
"Me reklamo???"
"Ah?" isa-isa tuloy silang todo-tanggi, minus the first year.
"Twenty laps. NGAYON NA!"
"CAPTAIN???"
"THIRTY LAPS!"
"BOTAK NA!!!!!!!!!!!!!!!!"
Ok. Kahit 'masakit sa loob', ginawa pa rin ng mga regulars ang twenty laps
parusa, este, thirty laps pala. Pero hindi lang ang regulars ang magdurusa,
maging ang mga kawawang non-regulars ay nadamay din sa sentensya. 'Kasalanan ng
isa, kasalanan ng lahat' ang favorite slogan ng kapitan. Ok lang kung
twenty-minute extension, pero me punto naman si Ryoma, kahit bad timing,
"Para saan ang ten minutes?" Reklamo na agad ang dinig ni Tezuka doon.
Panigurado pagkatapos nito ilalambitin na siya nina Momo sa may tulay. Pero care
ba niya kahit prituhin siya ng buhay ni Kawamura kapag inatake siya ng kanyang 'Jeckyll
and Hyde syndrome' o kalmutin siya ni Kikumaru at gawing scratchpost, o sumpain
siya ni Fuji sa tulong ng ate niyang psychic? Me mali ba sa sentence niya? Wala
naman, di ba? Pero pasalamat na rin siya't absent si Inui ngayon. Sa bagay, sa
isip-isip niya, mabuti pang ganito kesa magdusa sa isang baso ng vegetable
juice. Baga, pag si Captain ang nagparusa, nasa purgatoryo ka pa. Pero pag si
Mr. Data na ang nagparusa, magdasal ka na na sana masalba ang iyong kaluluwa.
Isang patak, kaya na ang buong Seigaku team na sangkatutak!
-0-0-0-0-
Nasa ikalawang lap na ang buong team nang magsimulang dumaldal si Kikumaru.
"Weird," simula niya, "Si Inui, umabsent dahil lang sa Jingle
Bells? Hello? Connection?"
"Baka lang me naaalala lang 'yung di maganda," hula ni Kawamura,
"Na me kinalaman sa Jingle Bells..."
"Childhood trauma..." sumingit si Fuji, natatawa, "Baka nga may
nangyari sa kanyang masama, kasabay nun tumugtog yung kanta. Pero kung anuman
'yon, sa kanya na lang 'yon."
"Yun ang headline!" bulalas ng sirkero, "Hindi lang pala si Inui
ang me kyemeng magnakaw ng mga data natin! Di man lang niya inisip na kelangan
din n'yang mag-ingat!"
"Eh papa'no kung di 'yon ang nangyari?" tanong ng Split Personality.
"What do you mean?"
"Uh...pa'no kung sinubukan niya yung latest formula ng vegetable juice niya
sa sarili niya't 'yun ang nangyari?"
"YAN ANG TOTOONG HEADLINE!" bulalas ni Momoshiro, nauna na sa grupo.
Palibhasa, tila nasanay na itong tumakbo ng mabilis mula nung una siyang
nabiktima ng prototype vegetable juice ni Inui simula't sapul noong bagong salta
pa siya at si Kaidoh sa Seigaku Tennis Club (yiikee, miss na niya si Mad
Scientist...!). And speaking of Kaidoh, nang makita niyang inuunahan na siya ng
kanyang tanging karibal, kumarimpas na rin ito para makahabol, feeling mga human
4WD na talo pa ang The Flash at si Dash ng The Incredibles sa bilis.
Buntonghininga naman ang tanging first year regular.
Tuloy pa rin si Eiji, na sa katunayan may naisip na siyang idea (TING!).
"Alam ko na!" napapitik, "Guys, what if bisitahin natin si Inui
sa bahay nila after practice? In that way malalaman natin kung bakit talaga siya
umabsent!"
"Ok 'yun, Eiji!" agree si Taka.
"Tamang-tama!" gayundin si Fuji, "Puwede rin namin i-discuss
tungkol sa Science project nila na matagal na n'yang hinihingi sa akin. Dala ko
nga 'yung laptop, eh..."
"Ok, settled na!" conclusion ng pusa, na lalong nagmukhang pusa sa
labis na excitement eh malapit na siyang tubuan ng buntot at whiskers,
"Wow...! Feeling ko mga detectives na tayo. I mean, sinusubukan nating
i-solve 'tong 'Jingle Bells Mystery'! Ok! Gawin na rin natin 'yun mamaya!"
at nang tinuon niya ng pansin ang (medyo) seryosong nanay-nanayan nila,
"'Kaw, Oishi...sama ka?"
"Saan?"
"Kina Inui, saan pa ba?"
"Hmm... good idea!"
"Great!"
"Kaya lang..."
"Kaya lang ano?"
Ano? Ang gusto sanang iparating ni Oishi sa kanya eh, kailangan muna niyang
itikom ang bibig niya habang isinasagawa ang sentensya. Pero huli na. Nakuha na
nila ang atensyon...
...ni Tezuka.
"Kikumaru! Fuji! Kawamura!"
Patay kang bata ka...
"Fifty laps! To the three of you!"
"NGAA!!!!!"
"...Sabi ko na sa inyo, eh..." pailing-iling na lang ang bise.
At ang trademark parirala ni Ryoma, Mada mada dane...
-0-0-0-0-
“Kainis ka…” mukmok ni Eiji. Hapo na nga ang katawan dahil sa fifty laps,
masama pa ang loob sa kanyang ‘kakambal’. Tapos na ang practice sa araw na
iyon, diretso na sila sa kanilang destinasyon.
“I’m trying to warn you,” paliwanag naman nito, “Pero di ka nakinig.
Nadamay tuloy sina Fuji sa fifty laps…”
“As if naman na alam naming winawarningan mo na pala kami, di sana ‘to
nangyari…”
“Pero ok lang naman ako, ah…” depensa ni Kawamura.
“Ikaw, ok. Ako? Pakiramdam ko mas gusto ko pang uminom ng juice ni Inui kesa
tumakbo ako buong araw ng 100 laps. Kala ko pa naman nakawala na ako sa
impyerno, hindi pa pala, nya…”
Guilty tuloy si bishpren. “Sorry na…”
Gumitna na lang tuloy ang prodigy, animo’y walang nangyari sa kanya kanina
(lagi naman, eh…). “Awat na…” sabay ngiti (as usual), “Di tayo
puwedeng humarap kay Inui na ganyan ang mga itsura n’yo na parang kayo pa’ng
maysakit. Buti nga may time pa tayo para kumustahin siya, di ba?”
Triny na rin ng sirkero ang ngumiti. “Siguro nga…”
-0-0-0-0-
Sa wakas, matapos ang ilang minuto…
INUI
(At talaga namang kinarir na ang pagbabasa ng placard, muzhta naman?)
“Andito na tayo…” sabi ni Fuji. Tinginan ang apat na third years sa
condominium ng ka-batch (SORRY…!), mababasa mo pa lang sa pagmumukha nila na
so… ito na pala ‘yon. Ok. Nice. Wow…
“Este, Fuji…” interruption galing kay Taka, “Buti’t alam mo ang bahay
nila…”
“Minsan na rin akong nakapunta rito. Since first year.”
“Daya…” reklamo ni Eiji, “Ngayon lang ako makakapunta rito, nya…”
“Kahit nga ako, eh…” kabado pa ang bise.
Kaya hinanda na nga ng prodigy ang kanyang hintuturo upang pindutin ang doorbell
na siyang magiging unang hakbang tungo sa misteryo ng Jingle Bells at ang
kinalaman nito sa ‘mahiwagang’ pag-absent ni Inui. Nasa aktong pipindutin na
niya ang buton nang biglang bumukas ang pinto! Sa sobrang pagkagulat napayakap
tuloy si Eiji kay Oishi at si Taka kay Fuji (mga pag-jujutack n’yo, ah!
Naughty-naughty!) at nangangambang baka may lumabas na isang maton ala-Saka Na
Boys na isa-isa silang hahampasin, o isang dambuhalang pitbull na di pa
napapabakunahan ng Anti-Rabies ang biglang susugod upang isa-isa silang kagatin,
o baka sumalubong ang umaalingasaw na nakakalasong usok na nagmula pa mismo sa
kanyang kuwarto kung saan kasalukuyan niyang pineperpekto ang kanyang latest
formula ng Super-Duper-Hyper-Mega-Giga-Whatever Vegetable Juice bilang isang
epektibong sentensya sa mga papalpak sa susunod pang mga practices.
Kung anu-ano nang emosyon ang mababasa mo sa kanilang mga mukha. Ang isa’y
dilat na dilat, ang isa’y kagat-kagat na ang mga kuko, ang isa’y nagtatago
na sa likuran ng kasama, at ang isa’y tulala na’t di na makapagreact (chige,
hulaan mo kung sinu-sino sila…). Sino o ano ang lalabas? Goon? Aso? Usok?...
…Babae?
Anak ng putakte…
Tila nahigupan ng enerhiya ang apat sa sobrang surprise, suspense, thriller.
Kala nila talagang may mangyayari nang hindi maganda na naging dahilan ng
pagka-absent ng isa nilang kasama. At ang babae naman, nakita lang ang mukha ni
Syusuke, agad niya napunang…
“…Teka, mga kaibigan kayo ni Sadaharu, di ba?”
“…Opo.”
“…Syusuke?”
“Ako nga po! Long time no see, Tita…”
Aba’t surprise to the max ang onessa! “Oh my God! Ikaw ba ‘yan, Syusuke?
Grabe, tumangkad ka, ah! And wow, lalo kang gumuguwapo!”
“Wala naman pong nagbago, eh…” sus, humility. Eh bakit siya namumula?
“Naku, naku, todo-tanggi ka pa…”
“Ah, by the way, Tita, mga ka-team namin sa Tennis Club. This is Takashi
Kawamura.”
“Hello po!” bow.
“Our Vice-Captain, Shuichirou Oishi.”
“Nice meeting you!” bow.
“And Eiji Kikumaru.”
“Musta po, nya!” bow.
“So totoo pala ang mga sabi-sabi,” impression ng onessa, “Hindi lang
mahuhusay ang Seigaku Team, definitely handsome pa!”
“Hindi naman po…” ani Vice, namula rin pati ang tatlo sa narinig na papuri
chuva.
“Ai, nakalimutan ko. Mama pala ako ni Sadaharu, by the way. Good thing nandito
kayo dahil kailangan niya talagan ng kausap. Sige, pasok kayo…”
“Thank you po!”
…Popularity galore!
-0-0-0-0-
Nasa sala na ng pamamahay ni Inui ang apat ngayon, tatlo sa kanila’y sina-scan
ang buong lugar na animo’y naghahanap na mapagpeperahan na puwede nilang
dekwatin mamayang gabi (DUH?) habang hinihintay ang simpleng meryendang cake at
juice (expected mo ba Inui juice? Get real!) na kasalukuyang hinahanda ng ilaw
ng tahanan.
“Pasensya na kayo, ha?” sabi niya, “Wala gaanong tao dito. Tatatlo lang
naman kami dito. Nasa trabaho pa ang Papa niya. Ako naman paalis na,
mamamalengke sana ako’t bibili ng gamot...”
“Ganoon po ba?” tugon ng bise, “Aalis po pala kayo. ‘Censya na po sa
abala...”
“Naku, naku, wala ‘yon. Mabuti nga’t bumisita pa kayo dito. At this very
moment sinasabi ko na sa inyo: kailangang-kailangan ng Sadaharu ang tulong
n’yo ngayon.”
“Ano po ba kasing nangyari?” tanong ni Taka.
“Naku, kahit ako, hindi ko alam. Basta pagpasok ko yun na, nasa sulok,
nanginginig. Kung sinu-sino nang santo ang tinatawag niya, kahit nga si
Satanas—Ay! Naku, pasensya na sa bibig ko...”
Dead air.
Pero tila iba ang nasa isip ngayon ng pusa. “Exciting ‘to! Parang gusto ko
tuloy siyang makitang ganoon...”
“Eiji!” suway ni Nanay Oishi.
“Sorry, nya...”
Ngunit tila ubos na ang oras ng ina para makipagkuwentuhan sa mga
binatilyo.Ilang oras na lang kasi at hapuna na, kaya, “Naku, mga bata, maiwan
ko muna kayo’t mamamalengke na ako. By the way, dito na rin kayo maghapunan.
It will be appreciated.”
“Naku, nakakahiya naman po...” ani Fuji.
“Hindi ‘yan. Sabihin na nating reward n’yo na rin ‘yan sa pagtulong
n’yo kay Sadaharu.”
“So ok lang po ba kung tumulong kami sa inyo later?”
“Ok lang! I’ll be glad to... Paano...” nasa pintuan na siya, “Syusuke...
and Shuichirou, right? And Eiji, and Takashi... kayo na ang bahala dito, ha? See
you later!”
“Opo! Thanks po ulit!” paalam ng apat. Lumabas na ang ina.
At ngayon... sila-sila na lang. Plus Inui sa kanyang kuwarto. Wala man silang
kakayahang gumamit ng telepathy, tila alam na ng isa’t isa ang dapat gawin.
Pagkahugas ni Oishi ng mga pinagkainan, handa na silang pasukin ang kuwarto kung
saan naroroon ngayon ang dating walang-takot, nakakatakot, at perfectly present
na Data Expert. Handa na silang ibunyag ang Jingle Bells Mystery at handa na
silang makita kung kumusta na siya, kung totoo nga ang kuwento. Nagpalitan sila
ng good luck, bahala na, at kaya natin ‘to sa isa’t isa.
-0-0-0-0-
TOK-TOK-TOK!
“Inui?”
TOK-TOK-TOK!
“Si Fuji ‘to!”
TOK-TOK-TOK!
“Gising ka ba?”
Pangamba ni Taka, “Tulog ‘ata...”
Kaya lang, nang subukang buksan ni Oishi ang pinto...
“Bukas pala eh...” ani Eiji.
Oo’t hindi naman nila ugali ang pumasok sa kuwarto ng walang pahintulot, tulad
ng pagpasok sa faculty room or student council room (pero anytime puwedeng gawin
ni Nanay ‘yon, siya pah?) o sa tennis club room kahit na gusto nila. Ngunit
para matapos na ang misteryo at para sa ‘ikatatahimik’ ni Inui, kahit ngayon
lang, kailangan muna nilang isantabi kung ano ang bawal, sapagkat mas lalong
nagiging bawal ang isang bagay o sitwasyon, mas nagkakaroon ng motibasyon o
pagnanasang gawin o pasukin iyo, ayon nga sa Psychology. The art of curiosity,
sabi nga.
Kaya sa pagbukas ng pinto, binulaga sila ng masangsang, umaalingasaw, at
nakakasulasok na amoy ng isang kilalang bangungot sa kanilang buhay. Namutla sa
sobrang baho ang sirkero't ang susunod na tagapagmana ng Kawamura Sushi Shop
(ke-langan pa bang i-me-morize YAN?), kaht anong takip nila sa kanilang mga
ilong. Pero balewala lang ito (halos) sa bise at sa prodigy na handang tiisin
kahit ang pinakamabahong kuwarto sa buong mundo para sa isang kaibigang
nangangailangan ng tulong at para sa isang palaisipang gumugulo sa isip ng buong
tennis club. At nang pinasok na nila ang kuwarto...
"Oh... my... God..."
Nangasim ang mukha ni Nelly-wannabe nang makita ang kabuuan ng kuwarto: basag na
mga beakers at flasks, natapong obra maestra, nabaling revolving chair, magulong
kama, at sirang computer. Isama pa ang kumukurap-kurap na table lamp at saradong
bintana. Whatta mess! Muntikan nangmadapa si Taka sa kinalalagyan ng mga
nabasag, buti't di siya natuluyan.
Maya-maya...
"Sino yan???"
Agad nilang nakilala ang malalim na boses na iyon. Lilingon-lingon...
"Inui?" tawag ni Fuji.
"Sino yan???"
"Inui, kami 'to!"
"Sino 'yan???"
"Si Fuji 'to! Asan ka?"
Hanggang, "Guys!" tawag ni Eiji, "Andito siya!"
Sabay lingon. Doon na sila nagulat sa itsura ng kanilang hinahanap... at
nanlata.
"Inui...?" tawag ni Oishi. Naghihintay ng response, pero...
Sa wakas, ang susi ng Jingle Bells Mystery ay malapit nang malutas at nakita na
nila. Ayun ang nirerespeto at kinatatakutang Data Expert: nakaupo nga sa sulok,
tulala, itsurang ginahasa (gunggong!), at sa kauna-unahang pagkakataon sa loob
ng halos tatlong taon nilang magkakasama sa iisang team ay nakita nila ang
kanyang maaabong mga mata, namamaga, namumula, animo'y humithit lang ng
marijuana. Ang kanyang salamin na may mala-coupon bond na lente ay nasa sahig,
basag. Nanginginig, nababangag, bulong nang bulong...
Takot na takot.
And in fairness, may punto nga si Kikumaru: sa kauna-unahang pagkakataon nakita
nila ang kasamahang dating nakakatakot... ngayon nga'y takot na takot. Pero ano
naman ang kanyang ikinatatakot?
Dumilat na rin ang mga matatalim na mga mata ng Prodigy. Isa lang ang ibig
sabihin nito...
Seryosong sitwasyon ito.
Tanging ang 'biktima' lang ang makakasagot sa totoong nangyari. Pero hindi naman
nila puwedeng interbyuhin ang kawawang bata nang ganun-ganun lang at doon pa sa
kuwartong animo'y nilooban siya pagkatapos eh pinagsamantalahan na siya (ano ba
yaan???) . Kaya naisip nilang ilabas si Inui para kahit papaano'y makalanghap
ito ng sariwang hangin at para madali siyang kausapin. Binalutan agad siya ni
Eiji ng kumot sa kanyang kama't dahan-dahan na siyang inilabas ng tuluyan.
Nagboluntaryo naman si Mommy Shuichirou na siya na ang bahala sa kuwarto. Agad
namang tinungo ni Taka ang kusina para makapagtimpla ng tsaa pampakalma. Kinuha
naman ni Fuji ang first-aid kit mula sa kanilang restroom nang mapansin niyang
sugat-sugat ang mga kamay ng Data Expert (dahil yon sa bubog, panigurado...)
Well kahit papaano'y nakita na nila ang kalunos-lunos na kundisyon ni Inui. Sa
halip na pagkakitaan ito ni Eiji dahil nga first time itong nangyari, pinili na
lamang niyang manahimik dahil sa awa.
-0-0-0-0-
"Etong tsaa", Sabay bigay ni Taka nito kay Inui, "Inumin mo
habang mainit-init pa..."
"Mabuti 'yan para kumalma ka...", sabi ni Fuji.
Hindi man siya nagsalita, ininom na lang niya ang tsaa tulad ng sabi nila. Ganun
pa rin, nasa state of shock, walang kibo, kulang na lang kung hindi mo makausap
ng matino.
"Ok... Alam kong hindi pa ito ang oras pero sana huminahon ka lang. Ano ba
talaga'ng nangyari?"
Hindi pa rin kumibo.
"Eh, Inui..." sumingit si Kikumaru, "sabi daw ng mama mo
nagkaganyan ka dahil sa Jing--"
Babangitin na sana niya ang 'isinumpang' pamagat na iyon kung hindi lang agad
tinakpan ni Taka ang makati nitong bunganga.
"Eiji, ano baahh...?" bulog nitong nanginginig na ninenerbyos na ewan.
Gustuhin man niyang sabihing 'sorry, hindi ko sinasadya' kung hindi lang
nakatakip ang kanyang bibig. Samantalang matatalim na tingin ang ibinigay ni
Fuji sa ka-batch na animo'y gusto na itong patayin sa sobrang katangahan.
Ngee...
Pero huli na.
Alam ni Inui na talagang babanggitin ni Eiji ang 'sumpang' iyon, kaya muli
siyang nanlamig... nanginig... namawis... kinubli ang sarili at nagsisimulaa na
naman siyang magtawag ng mga santo. Samantalang ninenerbyos na ang tatlong
kasama nito.
"Inui..." pilit na pinapakalma ng prodigy ang ka-teammate, "Kalma
lang... Wag mo na 'yon pansinin! Sabihin mo na lang kung ano'ng nangyari!"
"Ikaw kasi, eh!" at sinisi pa ng Split Pesonality ang pusang
magiyak-ngiyak na sa nerbyos at pagsisisi.